Tanong ko, Sagot Ko

Maraming mga katanungan ang gusto ko’ng bigyan ng kasagutan. Mga katanungan na gumugulo sa aking ilang taon’g pagsusulat sa daigdig ng blogging. Mga nabiting katanungan na ngayo’y aking bibigyang pansin. May personal, at mayroong hindi. Ito ay para sa kapakanan ng mga masugid na mambabasa ganun na rin sa mga bago’ng salta dito sa Damuhan. Makailang ulit na rin ako’ng nagbigay ng impormasyon tungkol sa aking sarili ngunit palaging bitin. Pwes, dito sa post na ito, hindi ko maipapangako na masasagot ko ng tama ang ilang mga tanong na naibato sa kin noon pa.

1. Suplado ba ako?

Hindi lang 10 katao ang nagsabi sa kin ng ganyan. Hehehehe. Hindi daw kasi ako madalas mag-pm sa Yahoo Messenger o sa Facebook chat.

Opo. Suplado ako ONLINE. Hindi kasi ako sanay ng ako ang mauunang mag-send ng instant message. Kung ako man ang mauuna, sa mga piling-piling tao lang. Kaya masanay na kayo na kahit online ako eh di ko kayo pinapansin. Gusto ko kasi ako ang unang pansinin nyo. Wahahahaha. Ayoko din makipagplastikan. Kapag ayaw ko sa isang tao, di na ko uulit kausapin to. Pero kapag personal, hindi naman. Mas nakikilala ko kasi ang isang tao sa personal na pag-uusap. Kaya naman madalas ako’ng umattend ng mga bloggers’ eye ball.

2. Pikon ba ako?

Hindi ito oo o hindi eh. Bagamat hindi ako madalas mapikon at kayang kaya ko’ng sakyan ang mga biruan, tablahan at balahuraan, may hangganan din naman ang aking pasensiya. Ilang bagay lang ang ayaw ko’ng gawin sa kin dahil hindi ko rin naman  ito ginagawa sa iba:  Hindi ako sanay na ginagawang katatawanan ang mga litrato ko. Alam ko’ng hindi ako gwapo pero hindi ibig sabihin naman nun ay kailangang paglaruan ang mga larawan ko. Sinabi ko na rin dati na ayoko ng pinipitik ako sa tainga at sinisigawan o minumura ko.

3. Bakit maiksi ako’ng magsulat ng mga post?

Karamihan sa mga post ko maiksi. Pero marami ring mahaba lalo na ang mga kwento. Mas maliit kasi ang chance na mag-skip read ang mga readers kung maiksi lang ang post. Kung mahaba naman ang aking isusulat, syempre may part-1 part 2 etc yan. Pero sa isang skip-reader, walang mahaba o maiksing post.

4. Panay ang parinig ko sa mga skip-reader. Ibig sabihin ba pag mahaba ang post mo, nag-i-skip read din ako?

Isa lang ang uri ng post kung saan ako nag-i-skip read. Yung mga masyadong malalim na pananalita na tila kailangan mo’ng gumamit ng balarila para maintindihan ang gusto’ng sabihin. Mga hindi normal na salitang tagalog o inggles ang ginagamit. Sakit sa utak! Ganunpaman, exception to the rule dito ang ilang bloggers na kasundo ko. Hehehe.

5. Bakit hindi ako nagcocomment sa post mo? Nagbablog-hop ba ko?

Madalas ako’ng magcomment. Madalas din’g magblog-hop. Pero syempre, magkokomento lang naman ako kapag naintindihan ko ang sinulat mo. Kesa naman magsabi ako ng “Nice post. You should write more often. I like the way you write. Exlinks please”, eh di hindi na lang ako magcocomment. Pero hindi ibig sabihin eh hindi ako dumadalaw. Dumadalaw ako. Di lang ako madalas mag-iwan ng bakas. Parang multo lang. Pero aaminin ko, nakakapagod mag-blog hop lalo na pag hindi naman bumibisita sa blog ko ang blinog-hop ko.

6. Bakit ang yabang ko mag-blog?

Ako? Mayabang? Define mayabang! Hehehehehe. Kung kayabangan ang pagsasabi ng nararamdaman, mayabang nga ako. Bakit sa blog ko? Natural! Blog ko nga to eh. Ano’ng gusto mo? Sa blog mo ako magyayabang? Lels! (slang ng Lols)

7. May mga ayaw ba ako’ng bloggers?

Meron. Sa parehong paraan na may mga bloggers din na ayaw sa akin. Di natin mapiplease ang bawat isa. Hehehehe.

8. Mayaman ba ako?

isa pa to sa mga katanungan na bibigyan ko ng linaw. HINDI PO AKO MAYAMAN. I REPEAT! HINDI PO AKO MAYAMAN.. HINDI PO AKO MAYAMAN.. (Repeat ’til fade). Hindi ako magtitiyaga na magpuyat gabi-gabi sa pagtatrabaho kung marami ako’ng pera. Mayaman ako sa ibang aspeto pero hindi mayaman sa pera.

At iyan ay ilan lamang sa mga tanong na aking sinagot mula kaibuturan ng aking atay. Kung meron pa’ng ibang tanong, maaari nyo ako’ng i-twit, i-message sa Facebook. Kung hindi ninyo nagustuhan ang mga sagot ko, iginagalang ko ang inyong desisyon. Maraming salamat.

Advertisements

About Bino

ko ay isang indibidwal na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang BPO Company. Isa rin ako'ng part-time ESL teacher. Nasilayan ko ang unang liwanag ng araw noon'g ika-8 ng Nobyembre. Mahilig sa musika at libro. Naninirahan sa lungsod ng Muntinlupa. Nagtatrabaho sa Lungsod ng Mandaluyong
This entry was posted in Personal. Bookmark the permalink.

3 Responses to Tanong ko, Sagot Ko

  1. Zyra says:

    Wow may wordpress astig hahaha

  2. utakbino says:

    hahaha. wala lang to.

  3. iamsuperleah says:

    Ay.. nasagot dito ang iilan sa aking mga katanungan. Salamat. haha! 😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s